
Iginiit ni Senate President Tito Sotto III na maaaring maging “defining moment” o kritikal na yugto sa political career ni Senator Imee Marcos ang kanyang akusasyon laban sa kapatid na si Pangulong Bongbong Marcos.
Kagabi, sa ikalawang araw ng anti-political rally ng Iglesia Ni Cristo (INC) ay pinaratangan ni Sen. Imee si Pangulong Marcos na gumagamit ng illegal na droga.
Giit ni Sotto, ang akusasyon na ito ni Sen. Imee laban kay Pangulong Marcos ay maaaring maging hudyat ng magiging takbo ng politikal na karera ng senadora kung saan posible itong makabuti o makasama para sa kanya.
Tiwala naman ang Senate president na matatag pa rin ang pamahalaan sa kabila ng mga isyung kinakaharap ngayon.
Samantala, sinabi ni Senate President pro-tempore Ping Lacson na nakaramdam siya ng awa para sa presidente kahit na hindi naman niya ito kamag-anak at hindi rin naman sila close ng pangulo.
Muling iginiit ng senador na hindi ugaling Pilipino ang ginawa ni Sen. Imee, kung saan ang mga ganitong problemang-pamilya ay nireresolba ng pribado at hindi sa gitna ng libo-libong mga Pilipino.









