Mga alagang hayop iniisa-isa nang inililikas sa Talisay, Batangas

Isa sa mga dahilan kung bakit binabalik-balikan ng mga residente n aapektado ng pag-alburuto ng Bulkang Taal ay ang kani-kanilang mga alagang hayop na naiwan sa kanilang mga bahay sa Talisay, Batangas.

Nagsanib pwersa na ang iba’t ibang ahensiya ng gobyerno, NGO at PETA upang ma-rescue ang mga hayop gaya ng aso, kabayo, baka, kambing, manok at iba pang hayop na naiwan matapos na magpatupad ng force evacuation ang lokal na pamahalaan ng Batangas dahil sa alert level 4 pa rin ang Bulkang Taal.

Ang mga alagang aso na iniwan ng mga residenteng nagsipaglikas para pumunta sa iba’t ibang evacuation center ay ni-rescue ng PETA, iba’t ibang ahensiya ng gobyerno at NGO na naiwan matapos magsipag likas ang mga residenteng apektado ng pagsabog ng Taal Volcano.


Pinayuhan ang mga residente na mayroong mga alagang hayop na makipag-ugnayan sa kani-kanilang mga Barangay Chairman upang matunton ang kani-kanilang mga alagang hayop na nasa pangangalaga ng isang NGO na angsagawa ng rescue operation sa Talisay, Batangas.

Facebook Comments