Nabakunahan ng libreng anti-rabies vaccine ang mga alagang aso at pusa ng mga residente sa Alaminos City sa isinagawang programa at pakikibahagi sa World Rabies Day.
Mula sa pangunguna ng Veterinary office ng lungsod, naisagawa ang nasabing pagbabakuna kung saan nilahukan ng mga residenteng pet owners.
Katuwang ang ilang boluntaryong doktor at mga pribadong clinic at corporate sponsors, isa-isang nabakunahan ng anti-rabies ang mga aso at pusa.
Iginiit ng tanggapan ang kahalagahan ng nasabing vaccine sa mga alagang hayop upang maiwasan na magkaroon ng rabies at makaperwisyo sa isang komunidad.
Ipinamutawi rin ang responsible pet ownership sa mga may alagang hayop upang maging ligtas at maayos ang kanilang nasasakupan.
Facebook Comments









