Daan-daang mga alagang hayop sa Mangaldan ang nabenipisyuhan ng isinagawang Veterinary Mission sa pangunguna ng Pangasinan Provincial Veterinary Office kasama ang Municipal Agriculture Office.
Abot sa tatlumput tatlong alagang hayop ang nabigyan ng spayin at nasa animnapu’t tatlo naman sa libreng pagpapakapon o castration.
Nasa higit apat na raang mga alagang hayop ang nabigyan ng anti-rabies vaccination pati na rin ng oral dose ng deworming at mga bitamina.
Isinagawa sa bahagi ng Brgy Talogtog ang naturang veterinary mission kung saan pinuntahan rin ng mga nasa kalapit na barangay.
Patuloy ang pagsasagawa ng mga aktibidad ng Provincial Veterinary Office sa iba’t ibang bahagi ng probinsya upang maisulong ang tamang pangangalaga at responsibilidad ng mga pet owners sa kanilang mga alagang hayop. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨