MGA ALAGANG ITIK SA BRGY. PINOMA, NAWALA HABANG KASAGSAGAN ANG BAGYO

Cauayan City – Nakapagtala ng pagkawala ng mga alagang itik sa Brgy. Pinoma, Cauayan City, Isabela habang kasagsagan ng paghagupit ng bagyong Nika.

Sa eksklusibong panayam ng IFM News Team kay Brgy. Captain Romeo Gallema, tinatayang nasa 400 itik na pagmamay-ari rin ng mga residente lang din sa kanilang barangay ang naiulat na nawawala.

Aniya, naiwan umano ang mga itik sa bukid ngunit dahil sa malakas na pag-ulan at hangin noong kasagsagan ng bagyo ay posibleng nasira ang kulungan ng mga ito at tinangay sila ng tubig na nagmumula sa mga creek.


Sinubukan pang hanapin ng mga may-ari ang mga ito noong natapos na ang bagyo subalit bigo silang matagpuan.

Maliban dito, may ilan ding mga residente ang namatayan ng alagang pato bunsod pa rin ng naranasang paghagupit ng bagyong Nika.

Facebook Comments