MGA ALAGANG KAMBING, IPINAMAHAGI SA MGA BUTCHER SA ALAMINOS CITY

Isa sa pinalalakas na sektor sa Alaminos City ay ang mas mainam na hanapbuhay para sa mga residente kaya naman nagpapatuloy ang programa tulad na lamang ng pamamahagi ng mga kagamitan at dagdag-kabuhayan.

Nito lamang, nabahagian ang mga miyembro ng Alaminos City Butchers Association ng nasa dalawampu’t limang upgraded doe o alagang kambing mula sa lokal na gobyerno na pinangasiwaan ng Veterinary Office Alaminos City.

Ayon kay Dr. Ronaldo Abarra, City Veterinarian ng Veterinary Office Alaminos City, mahalagang malaman ng mga benepisyaryong butcher o magkakarne ang tamang pangangalaga at pagpaparami sa mga ibinahaging alagaing kambing lalo at maituturing na mataas ang kalidad ng mga ito.

Bahagi ng pamamahaging ito ng Gender and Development Funded Projects kung saan tumutulong na pinamahagian ng tulong ang mga nasa sektor na naapektuhan ng African Swine Fever. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣

Facebook Comments