Mga alegasyon kay Teves patungkol sa pagtawag sa kaniya na terorista, ayaw patulan ni Remulla

Tumangging magkomento si Justice Secretary Jesus Crispin Remulla sa mga alegasyon at pahayag ni Negros Oriental Third District Representantive Arnolfo Teves Jr., patungkol sa pagtawag sa kanyang terorista at pag-freeze ng pamahalaan sa mga ari-arian nito.

Ayon kay Remulla, hindi siya pagagamit sa mga pumapatay ng tao at hindi na niya papatulan ang anumang sinasabi ni Teves.

Hinamon din ni Remulla si Teves na magpakalalaki at harapin ang kaniyang mga kaso.


Samantala, patungkol naman sa imbestigasyon ng Department of Justice (DOJ) panel of prosecutors sa murder case laban kay Teves, sinabi ni Remulla na umuusad ang kaso kasabay nang paghikayat sa publiko na hintayin ang desisyon ng panel.

Facebook Comments