Nasa limang libong kawani ng Commission on Elections (Comelec) ang nakikiisa sa kanilang liderato sa gitna ng mga ibinabatong alegasyon ng ilang mambabatas at dating mambabatas.
Ayon sa Comelec Employees’ Union, suportado nila si Chairman George Garcia at ang integridad ng electoral process ng bansa.
Sa ngayon ay patuloy anila ang pag-atake sa kredibilidad ng institusyon sa harap ng 2025 midterm elections.
Naniniwala ang grupo na bahagi lamang ito ng demolition job na layong sirain ang imahe ng poll body at ng automated election system.
Bilang election frontliners anila ay hindi sila papayag na masira lamang nang walang basehan ang Comelec at ang kredibilidad na matagal nilang iniingatan.
Facebook Comments