Cauayan City, Isabela- Dinala na kahapon sa Maynila ang resulta ng mga COC’s ng Cauayan City matapos maextend ng isang araw ang Filing of Candidacy noong ika dalawampu’t isa ng Abril.
Sa panayam ng RMN Cauayan kay Cauayan City Election Officer Epigenia Marquez, magsisimula na sa ika apat ng Mayo hanggang ika-labing dalawa ng Mayo ang kampanya ng bawat kandidato kaya’t kailangan umano na alam ng mga ito ang mga alituntunin sa pangangampanya gaya ng tamang sukat at tamang lugar na panlalagyan sa mga tarpaulin.
Ayon pa kay Election Officer Marquez, Hindi rin umano pwedeng ilagay sa iisang tarpaulin ang bawat mukha ng isang grupo bagkus ay pagtabi-tabihin na lamang umano ang tarpaulin ng bawat kandidato.
Mandato rin sa bawat kandidato na nasa limang piso lamang ang pwedeng gastusin sa isang botante at kailangang may maipakitang resibo para sa kanilang SOCE o Statementement Of Contributions and Expendisure upang maiwasan ang anumang paglabag sa eleksyon.
Handa na rin umano ang mga gagamiting balota at aniya, Mano-mano lamang ang kanilang gagawing pagbibilang sa mga boto ng botante.
Hinihikayat pa ni ginang Marquez ang bawat kandidato na sundin na lamang ang mga alintuntunin sa pangangampanya upang maging maayos ang resulta ng barangay at SK eleksyon.