Hindi maaaring magbigay ng awtorisasyon ang mga alkalde na pumapayag sa backride o pag-angkas sa motorsiklo.
Ayon kay Presidential Spokesperson Secretary Harry Roque, nananatiling bawal ang pag-angkas sa motorsiklo kahit pa mag-asawa upang masunod ang social o physical distancing.
Babala nito sa mga alkalde na magpapahintulot sa backride ay maaari silang maparusahan sa ilalim ng Bayanihan to Heal as One Act.
Una nang sinabi ni Department of the Interior and Local Government (DILG) Secretary Eduardo Año na kung nais makasabay ang asawa o sinumang miyembro ng pamilya sa pagpasok sa trabaho ay maaaring lagyan ng sidecar ang motorsiklo.
Kanina, inanunsyo rin ni Roque na pinapayagan na ang pagbiyahe ng mga motorsiklong may sidecar sa mga national highway.
Ito ay upang maibsan ang kalbaryo ng riding public dahil sa kabila ng pagbabalik-trabaho ng mga manggagawa ay limitado pa rin ang mass transportation sa mga lugar na nasa ilalim ng General Community Quarantine (GCQ).