Pinayuhan ni Pangulong Rodrigo Duterte ang mga alkalde na hindi kayang ipatupad ang mga health protocols laban sa COVID-19 na ‘tumabi’ at hayaan ang ibang opisyal na gawin ang trabaho nila.
Ito ang sinabi ng Pangulo kasabay ng pangakong iimbestigahan ang mga barangay officials sa mga lugar na may naitalang pagtaas ng COVID -19 infections.
Ayon sa Pangulo, dapat maging masigasig ang mga local officials sa kanilang trabaho lalo na at mayroon silang impluwensya sa kanilang mga kababayan.
Dapat pang magpursige ang mga alkalde dahil obligasyon nitong protektahan ang kalusugan ng publiko.
Dagdag pa ng Pangulo, maaaring pangunahan ng bise alkalde ang pagpapatupad ng pandemic-related measures kung hindi kaya ito ipatupad ng alkalde.
Facebook Comments