Mga alkalde, may kapangyarihang magpatupad ng localized lockdown sakaling magkaroon ng COVID-19 surge sa gitna ng pagpapatupad ng MGCQ

May kapangyarihan ang mga alkalde na magpatupad ng localized lockdown sa sa kanilang lungsod.

Ito ay sakaling makitaan ng pagtaas ng kaso ng COVID-19 ang mga barangay o kalye sa gitna ng posibleng pagsasailalim sa Metro Manila sa MGCQ.

Ayon kay MMDA Chairman Benhur Abalos, kailangan lang itong ipaalam ng local government unit (LGU) sa Regional Task Force na kanya mismong pinamumunuan.


Pagtitiyak ni Abalos, agad niya itong aaksyunan pero kaakibat nito ang paghihigpit sa pagpapatupad ng health protocols.

Kung kinakailangang may sitahin at hulihin dahil sa paglabag sa protocols ay kanila umano itong gagawin.

Samantala handa na rin ang National Capital Region Police Office (NCRPO) sakaling isailalim na sa mgcq ang Metro Manila sa susunod na buwan.

Pero aminado si NCRPO Chief Brig. Gen. Vicente Danao Jr. na hindi nila kakayaning bantayan ang galaw ng lahat ng mga tao kaya umapela sila ng tulong sa mga LGU.

Facebook Comments