MGA ALKALDE, NANAWAGAN NG BUONG TRANSPARENCY AT ACCOUNTABILITY SA FLOOD CONTROL PROJECTS

Nanawagan ng buong transparency, accountability, at hustisya ang grupong mayors for good governance kaugnay ng umano’y malawakang katiwalian sa mga flood control at iba pang proyektong imprastraktura sa bansa.

Batay sa kanilang pahayag nitong agosto 16, iginiit ng grupo na dapat agad isapubliko ng Department of Public Works and Highways (dpwh) at iba pang ahensya ng pamahalaan ang lahat ng detalye ng mga proyekto, kabilang ang programs of work, detailed unit price analyses, bill of quantities, feasibility studies, at higit sa lahat, ang mga pangalan ng mga kontraktor at pulitikong sangkot.

Matatandaan na sa kanyang ika-apat na state of the nation address noong hulyo 28, iniutos ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr.

Ang imbestigasyon sa ₱350 bilyong halaga ng flood control projects. Malugod naman itong tinanggap ng grupo ng mga alkalde na nagsilbing frontliners sa pagtugon sa kalamidad.

Giit ng mayors for good governance, ilang dekada nang ginagawa ang mga proyektong flood control, ngunit sa halip na solusyon, nananatiling problema ang baha at landslide dahil umano sa talamak na katiwalian.

Dagdag pa nila, kung mapapatunayan ang mga anomalya, dapat managot ang mga sangkot na opisyal, hindi lamang sibakin sa puwesto kundi sampahan ng kaso at ipakulong.

Saad ng grupo wala nang dahilan para sa pag-aatubili.

Ang taumbayan ay matagal nang naghihintay. Ang korapsyon ay dapat matapos ngayon.

Samantala, kabilang sa inisyal na listahan ng mga alkalde na lumagda sa naturang pahayag ay sina manaoag Mayor Jeremy Doc Ming Rosario at Baguio City Mayor Benjie Magalong. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣

Facebook Comments