Mga alkalde ng Metro Manila, pinulong ng DOST para paghandaan ang clinical trials ng COVID-19 vaccines

Nakipag-usap na ang Department of Science and Technology (DOST) sa mga alkalde sa Metro Manila para paghandaan ang mga gagawing clinical trials ng mga bakuna laban sa COVID-19 sa bansa.

Ayon kay DOST Secretary Fortunato de la Peña, kakailanganin nila ang tulong ng mga alkalde para sa paghahanap ng mga volunteers para sa gagawing clinical trial.

Sinabi pa ni de la Peña na malaking tulong ang mga namumuno sa Local Government Unit (LGU) lalo na’t sila ang mas nakakaalam kung sino ang dapat na isalang sa nasabing pagsusuri.


Bukod dito, tiniyak ni de la Peña na makatatanggap ng tamang kumpensasyon ang mga magbo-boluntaryo sa clinical trial kung saan kabilang na dito ang pagkain at transportasyon sa araw ng clinical trial.

Iginiit pa ng kalihim na sa ngayon ay hinihintay na lang na mabigyan ng clearance ang ilang bakuna na gagamitin mula sa Food and Drug Administration (FDA) para masimulan na ang clinical trial sa bansa.

Facebook Comments