Mga Alkalde Sa Bansa – Kinausap Ni Pangulong Duterte Kaugnay Sa Kanyang Kampanya Laban Sa Ilegal Na Droga… Mga Alkalde –

21

MANILA – Kinausap ni Pangulong Rodrigo Duterte sa Malakanyang ang mga alkalde mula sa ibat-ibang bahagi ng bansaIsinagawa ang meeting, dalawang araw matapos pagbataan ng pangulo nakasama umano sa narcolist.Sinabi ni Presidential Spokesman Ernesto Abella, imbitado sa dayalogo ang lahat ng mayor sa pilipinas at hindi lamang ang mga kasama sa listahan.Sa isang source, sinabing hindi pinahintulutan ang mga alkalde na magdala ng kanilang mga cellphone sa loob habang isinasagawa ang meeting.Unang nagkita-kita ang mga alkalde sa Philippine International Convention Center (PICC) sa Pasay City kung saan naging holding area nila ito bago dumeretso sa Malakanyang.Dito muling nagbanta ang pangulo na sisilipin ang pinagkagastusan ng intelligence fund ng mga alkalde at umaasang malilipol ang droga sa loob ng isang taon sa kani-kanilang nasasakupan.

Facebook Comments