Mga alkalde sa labas ng NCR+8, nananawagan na ng suplay ng bakuna

Nananawagan na ang mga alkalde sa mga lugar na nasa labas ng National Capital Region (NCR)+8 ng karagdagang suplay ng bakuna dahil sa patuloy na pagtaas ng kaso ng COVID-19 sa kanilang lugar.

Ito ay hiling ng League of Cities (LCP) sa pamahalaan na ipadala ang mga darating pang mga bakuna kontra COVID-19 sa MIMAROPA, Western Visayas, Cagayan Valley, at ibang bahagi ng Cordillera Administrative Region (CAR).

Una nang sinabi ni Department of Health (DOH) Spokesperson Usec. Maria Rosario Vergeire na ang mga darating na bulto ng bakuna ay para sa NCR+8 upang agad na makamit ng bansa ang herd immunity.


Samantala, inaaasahang darating mamayang gabi sa bansa ang halos 50,000 doses ng Sputnik V COVID-19 vaccine.

Facebook Comments