Mga alkalde sa Metro Manila malaking papel para masawata ang ilegal na gawain sa kanilang lugar ayon hepe ng NCRPO

Naniniwala si NCRPO Regional Director Major/General Guillermo Eleazar na malaki ang papel ng mga Alkalde upang tuluyang masawata ang lahat ng klaseng ilegal sa kanyang nasasakupan.

 

Sa ginanap na forum sa Kapihan sa Manila Bay sinabi ni General Eleazar na napakalaking tulong ng mga LGU upang tuluyang mabuwag ang mga ilegal na gawain sa kanilang mga nasasakupan.

 

Inihalimbawa ni Eleazar ang nangyari sa Lungsod ng Maynila kung saan 75 mga video karera ang winasak na sinasabing ugat ng illegal na droga sa Manila.


 

Paliwanag ni Eleazar kung hindi papayag ang mga  alkalde na linisin ang mga ilegal na gawain sa kanilang nasasakupan mahihirapan umano ang mga pulis na ipatupad ang kanilang mandatu na buwagin ang lahat ng uri ng illegal activities.

 

Giit ng heneral dapat makipagtulungan sa kanila kampanya ang mga Mayors upang madali nilang mabuwag ang mga ilegal na gawain  sa kanilang nasasakupan.

Facebook Comments