MGA ALKALDE SA PANGASINAN NA NAKISAPI SA MAYORS 4 GOOD GOVERNANCE, NADAGDAGAN

Dumagdag sa listahan ng mga alkalde na interesadong maging kasapi ng Mayors for Good Governance o M4GG si Dasol, Pangasinan Mayor Rizalde Bernal.

Ibinahagi kahapon ng alkalde ang sinagutang application form kalakip ng paniniwala na maitaguyod ang katapatan sa mga proyekto para sa publiko.

Ang naturang form ay binubusisi ng Secretariat ng M4GG bago maglabas ng hatol sa aplikasyon ng isang incumbent mayor.

Ang M4GG ay isang kilusan ng mga lokal na opisyal sa bansa na may nagkakaisang layuning labanan ang korapsyon habang inuuna ang kapakanan ng mga komunidad.

As of August 27, tanging si Manaoag Mayor Jeremy Rosario ang kasapi nito sa Pangasinan simula 2023.

Bukod dito, ilang alkalde rin tulad sa Dagupan City at Sta. Barbara ang nagpahayag ng pagsang-ayon sa ipinaglalabang transparency ng M4GG ukol sa kasalukuyang mainit na imbestigasyon sa mga flood control projects ng DPWH.

Kaugnay nito, hinihikayat naman ni League of Municipalities Pangasinan Chapter President Mayor Rosario ang pakikiisa ng iba pang alkalde kontra korapsyon. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣

Facebook Comments