Sinisilip ng Department of Education (DepEd) ang ilang alok na broadcast at communications services kasabay ng plano nitong pagpapatupad ng distance learning.
Sa Laging Handa Public Briefing, sinabi ni Education Secretary Leonor Briones na marami silang natatanggap na offer lalo na sa radyo, telebisyon, at komunikasyon.
Pero sinabi ng kalihim na sinasala nila ang mga alok at naghahanap ng maayos na serbisyo para sa specific areas.
Sa ilalim ng distance learning, hindi kailangang magtungo ng mga estudyante sa mga eskwelahan at tuturuan ang mga ito sa pamamagitan ng self-learning modules, broadcast media, at ng internet.
Facebook Comments