Itinutulak ng Department of Science and Technology (DOST) na gumamit ng mga alternatibong produkto kapalit ng trigo kasunod ng pagtaas sa presyo ng harina dahil sa giyera sa Russia at Ukraine.
Ayon kay DOST Secretary Fortunato “Boy” de la Peña, upang mabawasan ang epekto ng kakulangan ng harina sa bansa ay maaaring gamitin ang sweet potato, cassava, saging, at kamoteng kahoy.
Nakikipag-ugnayan na rin ang DOST sa mga regional offices at unibersidad sa bansa tulad ng Tarlac Agricultural University na nakatutok sa sweet potato research and development at production.
Bukod dito ay bumuo rin ang DOST-Food and Nutrition Research Institute (FNRI) ng non-wheat flour products gamit ang coco flour mula sa mais, palay, at mongo.
Samantala, mayroon namang Emergecy Food Reserve o Sagip-Nutri Flour ang DOST-Industrial Technology Development Institute (ITDI) na gawa sa cassava, sweet potato, malunggay, kalabasa, at mongo na pwedeng gamitin sa paggawa ng mga tinapay.