Mga ambulansya, balak na rin ng Philippine Red Cross na lagyan ng blood supply

Plano na rin ng Philippine Red Cross (PRC) na maglagay ng supply ng dugo sa mga ambulansya.

Ayon kay PRC Chairman and CEO Richard Gordon, layon nito na mas mabilis na makakatugon ang mga ambulansya sakaling may pangangailangan sa kanilang rerespondehan.

Sinabi ni Gordon na kailangan ding may medical director na magsu-supervise sa paglalagay ng blood supply ng mga ambulansya.


Tiniyak naman ni Gordon na lalo pa nilang pinaiigting ang kanilang blood letting drive.

Ngayong araw, nagpadala ang PRC ng 50 units ng packed red cells sa Bicol Region sa harap ng kakulangan sa supply nito sa Region 5.

Facebook Comments