Mga Amerikanong nasa Pilipinas, posibleng maging target din ng pag-atake ng Iran – DILG

Posibleng maging target ng pag-atake ng Iranian government ang mga American national na nananatili sa Pilipinas.

Nabatid na nagdeklara ng paghihiganti ang Iran kasunod ng pagkakapatay sa US drone strike ng kanilang top general.

Ayon kay DILG Sec. Eduardo Año – nagsasagawa na sila ng profiling ng mga Amerikano na nandito sa Pilipinas.


Sa ilalim ng profiling, binabantayan ang mga lugar kung saan dinadagsa ng mga Amerikano.

Hindi rin isinantabi ni Defense Sec. Delfin Lorenzana ang posibilidad na mangyari ito.

Facebook Comments