Mga amyenda sa panukalang paglikha ng Maharlika Investment Fund, patunay na nakikinig ang Kongreso sa publiko

Nagpasalamat si Senior Deputy Minority Leader at Northern Samar 1st District Rep. Paul Daza sa mga kasamahang mambabatas na nag-amyenda sa House Bill 6608 o panukalang paglikha ng Maharlika Investment Fund (MIF).

Diin ni Daza, nagpapakita ito na ang Kongreso ay nakikinig publiko na isang patunay ng pag-iral ng demokrasya.

Kabilang sa mga amyenda na ikinatuwa ni Daza ay ang pagtanggal sa Social Security System (SSS) gayundin sa Government Service Insurance System (GSIS) at sa National Budget bilang mga pagkukunan ng pondo para sa MIF.


Tinukoy rin ni Daza ang pagpapataw ng 2% cap sa paggamit ng capitalization bilang initial expense mula sa dating 10% at ang paglalagay ng apat na independent directors sa Maharlika Investment Corporation mula pribadong sektor.

Pasado rin kay Daza ang pagkakaroon ng penal provision sa panukala at ang paglalaan ng 20% ng kita ng MIF sa social welfare programs.

Bunsod nito ay tiniyak ni Daza na handa siyang bomoto pabor sa panukalang MIF.

Facebook Comments