MGA ANAK NG GINANG NA PINATAY NG SARILING MISTER, BUMWELTA SA KANILANG AMA

CAUAYAN CITY- “Walang katotohanan, sinungaling” yan ang bwelta ng mga anak sa kanilang sariling ama matapos paslangin ang kanilang ina kamakailan sa Brgy. Villaflor, San Isidro, Isabela

Sa eksklusibong panayam ng IFM News Team sa isa sa anak ng biktima na si Sheena Mae De Guzman, wala umanong katotohanan ang sinasabi ng kanyang ama na may ibang lalaki ang kanyang ina at sa katunayan ang ama nya ang may ibang babae dahil nakita mismo nya sa telepono nito ang kanilang palitan ng mga text messages.

“Nag-usap na sila noon sa barangay parang si papa din nagsabi na wala wala ng pakealamanan. Ang sabi pa nga nya po ayaw na niyang maamoy yung amoy ni mama ko. Parang wala na daw pakealamanan hindi na daw papakealaman ni mama ko si papa ko ganon din si papa ko kay mama ko,” yan ang naging pahayag ni Sheena Mae.


Ayon naman sa pangalawang anak ng biktima, minsan ng kinasuhan ng nanay nya ang kanilang tatay dahil sa pambubugbog nito sa kanya.

Gayunpaman, hindi sumagi sa kanilang isip na makakayang gawin ito ng kanilang ama sa kanilang ina.

“Parang hindi pa rin nagsi-sink in sakin na yung si mama ko parang naghihintay pa nga rin ako hanggang ngayon na uuwi siya ng hapon. Parang hindi ko pa rin makapa kung ano ang dapat kong maramdaman kung magagalit ba ako o kung masasaktan kasi yung sarili kong papa pinatay ang sarili kong mama,” dagdag pa ni Sheena Mae.

Facebook Comments