MGA ANAK NG OFW, TINIPON SA CIRCLE ACTIVITY SA DAGUPAN CITY

Isinagawa ngayong araw sa Dagupan City People’s Astrodome ang isang OFW Children’s Circle activity sa pakikipagtulungan ng Department of Migrant Workers (DMW) at Overseas Workers Welfare Administration (OWWA) Region I.

Layunin ng aktibidad na maiparamdam sa mga anak ng OFW ang pagmamahal at suporta ng kanilang mga magulang kahit malayo ang mga ito sa bansa.

Kasama sa programa ang lokal na pamahalaan at iba’t ibang opisyal upang masiguro ang maayos na koordinasyon at suporta sa mga bata at kanilang pamilya.

Ayon sa City Public Employment Service Office (PESO), patuloy nilang susuportahan ang mga OFW at kanilang pamilya sa pamamagitan ng ganitong mga programa at iba pang serbisyong pang-komunidad. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣

Facebook Comments