Mga anak ni Joey De Leon, ipinagtanggol ang ama sa mga bashers kaugnay sa komento nito sa depression

Manila, Philippines – Humingi ng pang-unawa ang mga anak ni Joey De Leon sa nasabi ng kanilang ama tungkol sa depression.

Sa twitter accounts nina Jocas, Jako at Jio ay ipinagtanggol nila ang ama laban sa mga bashers nito sa social media.

Sabi nila, imbes na mang-bash ay dapat pag-usapan ang ganitong mga isyu nang may respeto at pang-unawa para magkaroon ng pagkakaintindihan.


Sa instagram post ni Joca,s ipinarating niya na naiintindihan niya ang mga taong dumadaan sa depression kung saan sa caption niya ay “I hear you. I see you. I understand you.”

Umaasa ang mga anak ni Joey na matitigil na ang pang-babash sa kaniya online.

Facebook Comments