Mga anomalya sa ipapasang national budget, hindi palulusutin ni PBBM — Palasyo

Tiniyak ng Malacañang na magiging maayos ang 2026 national budget sa gitna ng mga isyu ng budget insertions noong mga nakalipas na taon.

Sa press briefing kanina, sinabi ni Palace Press Officer Claire Castro na hindi hahayaan ng Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr., na magkaroon ng iligal na budget insertions.

Sakali aniyang magkaroon muli ng mga insertions ay agad itong ive-veto ng pangulo.

Ginawa ng Palasyo ang pahayag kasunod ng sinabi ni Senator Ping Lacson na nasa ₱100 bilyon ang naging insertions ng mga senador sa ilalim ng 2025 budget.

Sabi ni Castro, mainam na nailalahad ngayon ang mga nangyari sa pagpasa ng panukalang budget kasunod na rin ng utos ng Pangulong Marcos Jr., na imbestigahan ang mga anomalya sa flood control projects.

Facebook Comments