Mga anomalya sa SAP distribusyon, “isolated cases” lamang – DSWD

Itinuturing ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) na “isolated cases” ang mga local government official na nasasangkot sa maanomalyang pamamahagi ng cash subsidy sa ilalim ng Social Amelioration Program.

Ayon kay DSWD Undersecretary Rene Glen Paje, ang distribution ng unang tranche ng emergency subsidies ay nanatiling maayos sa pangkalahatan kahit may nadadawit na lokal na opisyal sa anomalya.

Sinabi ni Paje na nakalatag na paraan ng pamamahagi ng second tranche at dadaan ang mga pondo sa kanilang tanggapan.


Ang DSWD ay nakikipagtulungan sa Department of Interior and Local Government (DILG) na bantayan ang mga local official na masasangkot sa anomalya.

Una nang sinabi ni Ombudsman Samuel Martires na nakatanggap sila ng 11 reklamo kaugnay sa SAP na kanilang bubusisiin.

Facebook Comments