Nagbabala ang eksperto na posibleng hindi epektibong lunas ang mga antibiotic para sa mga indibidwal na may “walking pneumonia.”
Ayon kay independent health reform advocate Dr. Anthony Leachon, may isang grupo lamang ng antibiotics ang tumatalab sa walking pneumonia at ito ang azithromycin o macrolides.
Ang mga naturang antibiotics aniya ay hindi basta-basta mabibili sa botika at kailangan ng reseta ng doctor.
Dagdag pa ni Leachon, limitado lamang ang epekto ng tradisyonal na mga antibiotics, tulad ng amoxicillin at cephalosporins sa paggamot sa walking pneumonia.
Pinayuhan din ng eksperto ang publiko na iwasan muna ang pagpunta sa China, Hong Kong, o Macau.
Nauna nang nagbabala ang Department of Health (DOH) sa publiko, na iwasan ang labis na paggamit ng mga antibiotic laban sa trangkaso matapos lumabas sa mga pag-aaral na ilang mga bata sa China ang nahihirapang gumaling laban sa sakit dahil sa “antibiotic resistance.”