Mga apektado ng Bagyong Henry, unti-unti nang nagsisipagbalikan sa kani-kanilang tahanan

Kasunod ng paglabas ng Bagyong Henry sa Philippine Area of Responsibility (PAR), nagsisipagbalikan na rin sa kani-kanilang mga tahanan ang mga nasalanta ng bagyo.

Sa ulat ng National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC), mula sa mahigit 30,000 apektado ng bagyo, nasa 110 families na lamang ito o katumbas ng 321 indibidwal.

Sa ngayon, apat na barangay na lamang ang apektado mula sa Region 1.


Nasa 60 pamilya o 149 katao na lamang sa ngayon ang pansamantalang nanunuluyan sa mga evacuation center habang mayroong 11 pamilya ang nakikitira muna sa kanilang mga kamag-anak.

Una nang nakapag-abot ng mahigit sa ₱7 milyong tulong ang pamahalaan sa mga naapektuhan ng bagyo.

Facebook Comments