Marami ang hindi nakakaalam pero ayon sa iba’t ibang pag-aaral, posibleng abutin ng ilang araw bago tuluyang maglaho ang usok na naiwan ng mga fireworks o paputok.
Kaya naman kahit noong isang gabi pa ang selebrasyon, nagpaalala sa publiko si Sentor Bong Go, chairman ng Senate Committee on Health….
…na obserbahan ang sarili para sa anumang sintomas ng epekto ng usok ng mga paputok tulad na lamang hirap sa paghinga.
Ayon kay Senator Bong Go, prayoridad dapat ng bawat isa ang kalusugan ngayong bagong taon, lalo pa’t malamig ang panahon at marami ang madaling tamaan ng sakit.
Paalala pa ni Senator Bong Go, huwag matakot magpa-ospital o kumonsulta sa doktor kapag may nararamdamang hindi maganda.
Ito raw ang dahilan kaya paulit-ulit si Senator Bong Go sa pangungulit sa PhilHealth para ayusin ang mga benepisyo nito, dahil anumang oras ay may Pilipinong tatamaan ng sakit.
Kaugnay din nito, hinikayat ni Senator Bong Go ang publiko na huwag magdalawang isip na dumulog sa mga Malasakit Centers para sa medical assistance mula sa iba’t ibang ahensya ng pamahalaan.
Paalala rin ni Senator Bong Go sa mga pasyente, pera ng taumbayan ang pondo ng Malasakit Centers kaya’t dapat lang na mapakinabangan ng bawat Pilipino.
Sa datos ng DOH, aabot na sa 15 MILLION FILIPINOS ang natutulungan ng Malasakit Centers.