Mga apektado ng pag-aalburoto ng Mayon nakatanggap na ng ₱74-M halaga ng tulong

Nakapagbigay na ang pamahalaan ng P73.9M na halaga ng tulong sa mga komunidad na apektado ng patuloy na pag-aalburoto ng Bulkang Mayon.

Sa pinakahuling datos ng National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC), 10,171 pamilya o 39,057 indibdwal na naninirahan sa 26 na barangay sa Bicol region ang apektado ng aktibidad ng Mayon.

Kabilang sa tulong na ipinamahagi ang distilled water, mga damit, hygiene kits, tents, shelter materials, family food packs, sleeping kits, modular tents, portable water filtration unit at maraming iba pa.


Mayruon ding ipinamahagi na 200 sako ng hog grower feeds.

Samantala, nagkaloob din ang gobyerno ng cash at financial assistance sa ilang mga residente.

Nananatili parin sa Alert level 3 ang status ng bulkang Mayon kung saan namamaga parin ito at mataas ang posibilidad na magkaroon ng “hazardous eruption” sa mga susunod na araw o linggo.

Facebook Comments