Sumampa na sa 224, 977 pamilya o katumbas ng 879, 425 indibidwal ang apektado ng sama ng panahon dulot ng pinagsamang shear line at low pressure area sa ilang rehiyon sa bansa.
Sa datos ng National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC), ang mga apektadong indibidwal ay mula sa 1,147 mga barangay sa CALABARZON, Regions 5, 6, 8, 10 at CARAGA.
Sa nasabing bilang, mahigit 16,000 pamilya o 41,595 katao ang pansamantalang nanunuluyan sa 139 evacuation centers habang ang nasa halos 33,000 indibidwal ay mas piniling manatili sa kanilang tahanan o makituloy sa kanilang mga kaanak.
Samantala, sa datos ng NDRRMC ngayong umaga, dalawa ang naitalang nasawi at isa ang sugatan pero patuloy pa itong beneberipika.
Sa ngayon, nasa ilalim na ng state of calamity ang Northern at Eastern Samar.