Mga apektado ng pananalasa ng Bagyong Goring, lumobo pa

Sumampa na sa 19,370 pamilya o katumbas ng halos 64,000 indibidwal ang apektado ng Bagyong Goring sa ilang rehiyon sa bansa.

Batay ito sa datos ngayong umaga ng National Disaster Risk Reduction and Management Council o NDRRMC.

Ang mga apektadong indibidwal ay mula sa Regions 1, 2, 3, 6, CALABARZON, MIMAROPA at CAR.


Sa nasabing bilang, 4,000 pamilya o halos 15,000 mga indibidwal ang pansamantalang nanunuluyan sa 154 mga evacuation centers habang yung nasa 10,000 katao ay mas piniling makituloy muna sa kanilang mga kamag anak o sa labas ng evacuation center.

Samantala, lubog pa rin sa baha ang nasa 103 lugar sa bansa.

Nakapagtala rin ang NDRRMC ng landslide at buhawi sa MIMAROPA.

Facebook Comments