Mga apektadong indibidwal ng granular lockdown sa buong bansa, bumaba na sa mahigit 100

Umaabot na lang sa 136 indibidwal ang apektado ng granular lockdown sa iba’t ibang panig ng bansa.

Batay sa datos ng Philippine National Police (PNP), ang mga apektadong indibidwal ay nasa 42 lockdown areas sa 32 barangay sa 12 munisipyo at siyudad na sakop ng National Capital Region Police Office (NCRPO), Police Regional Office (PRO) 4A, 4B, at PRO Cordillera.

Ang Cordillera ang may pinakamaraming apektadong indibidwal na nasa 99.


Ang NCR ang kasunod na may maraming apektado ng granular lockdown na umaabot sa 22 indibidwal.

Ang mga lugar na naka-lockdown ay binabantayan pa rin ng 30 mga pulis.

Facebook Comments