MGA APEKTADONG LUGAR DAHIL SA BAGYONG MARCE, SINURI NG DOH CAGAYAN VALLEY

CAUAYAN CITY – Agad nagsagawa ng on-site assessment ang DOH Cagayan Valley sa mga apektadong lugar ng bagyong Marce sa Lambak ng Cagayan.

Kabilang sa mga lugar na kanilang binisita ay ang lalawigan ng Cagayan, Isabela, Quirino, at Nueva Vizcaya kung saan sinuri ng nabanggit na ahensya ang lawak ng pinsalang iniwan ng bagyo.

Kaugnay nito, nagpaabot naman ng mga gamot ang Supply Chain Management ang Health Emergency team sa bawat probinsya sa buong Lambak ng Cagayan para sa bawat pamilyang nasalanta.


Bukod dito, mayroon ding jerry cans, hygiene kit, medical consultation at iba’t ibang uri ng serbisyong medikal.

Facebook Comments