Nilinaw ni Labor Secretary Silvestre Bello III na maaaring dumirekta ang mga apektadong manggagawa ng umiiral na Luzon-wide enhanced community quarantine sa kanilang tanggapan lalo na kung ang kani-kanilang mga employers ay walang pagkukusa para makapag avail ang kanilang mga trabador ng P5,000 financial assistance program ng ahensya.
Sa laging handa public press briefing pinayuhan ni Bello ang mga manggagawa na magpasa sa kanilang tanggapan ng payroll at kanila umanong ipadadala ang limang libong pisong ayuda sa money transfer
Una nang sinabi ng DOLE sa mga apektadong kumpanya o yung mga napilitang isara ang negosyo dahil sa umiiral na Enhanced Community Quarantine ay magsumite sa DOLE regional offices ng company payroll at listahan ng mga apektadong manggagawa.
Samantala, sa mga employers naman na nakatugon at nakapagpasa ng mga kinakailangang requirements matatanggap nila ang P5,000 financial assistance sa loob ng 48 oras kapag natanggap na ang confirmation receipt.
Sa datos ng DOLE naibigay na nila ang one-time P5,000 financial assistance sa higit 200,000 mga manggawa.