Natanggap na ng mga micro rice retailers sa Dagupan City ang cash subsidy na inilaan para sa kanila ng national government bunsod ng “Mandated Price Ceiling on Rice” sa bisa ng Executive Order No. 39 ni Pangulong Marcos na nakaapekto sa kanilang mga kabuhayan.
Nasa 15, 000 pesos ang kabuuang halaga na natanggap ng mga ito partikular ang mga rice vendors na nagbebenta ng mga kabilang sa itinakdang tapat na presyo ng mga bigas upang makatulong sa kanilang pagkalugi nang inumpisahan ang pag-implementa sa nasabing kautusan.
Matatandaang base sa inilabas na EO ay nakataas lamang sa 41 pesos per kilo ang dapat na presyo sa mga regular rice habang 45 pesos kada kilo naman ang dapat na presyo ng well milled rice.
Bago pa ang cash subsidy ay nauna nang nagpahayag ang mga rice retailers sa Dagupan City ng kanilang mga hinaing kaugnay sa price ceiling at kung ano ang posibleng magiging epekto nito sa kanila.
Samantala, ilang mga mamimiling Dagupeno ay ikinatuwa rin ang itinakdang presyo ng bigas sa pampublikong pamilihan ng lungsod dahil naka avail na raw ang mga ito sa mas murang presyo kumpara umano noong mga nakaraang linggo na pumalo sa singkwenta pataas ang kada kilo ng ibinebentang bigas. |ifmnews
Facebook Comments