
Nagpadala ng agarang tulong ang Disaster Risk Reduction and Management Council sa 20 pamilyang naapektuhan ng sumulpot na sinkholes sa San Remigio ,Cebu City.
Sa ulat, umabot na sa 11 sinkholes ang natukoy matapos ang 6.9 magnitude na lindol sa lugar.
Dahil dito, namahagi ang ahensya ng ready-to-eat food packs sa mga naapektuhan ng nasabing sakuna.
Layon nito na mabigyan ng pantawid-gutom ang mga pamilyang nawalan ng tahanan dulot ng pagsulpot ng mga nasabing sinkholes.
Ayon sa DSWD, ito ay bahagi ng kanilang tuluy-tuloy na aksyon para matiyak na may access sa mga pangunahing pangangailangan ang mga tao sa gitna ng naranasang krisis sa lugar.
Facebook Comments









