Mga apektadong residente ng pagsabog ng Bulkang Kanlaon, magpapasko sa mga evacuation center

Posibleng magdiwang ng Pasko ang mga kababayan nating apektado ng pagsabog ng Bulkang Kanlaon sa evacuation center.

Sa presscon sa Office of Civil Defense (OCD), sinabi ni Philippine Institute of Volcanology and Seismology (PHIVOLCS) Director Teresito Bacolcol na hindi nila kontrolado ang behavior ng bulkan at kanila itong ina-assess sa kada araw depende sa kanyang aktibidad.

Pero dahil nananatili sa Alert Level 3 ang Bulkang Kanlaon, nangangahulugang posibleng magkaroon ito ng hazardous eruption sa mga susunod na araw o linggo.


Kasunod nito, sinabi ni OCD Deputy Administrator Asec. Raffy Alejandro na may sapat na tulong ang ating mga kababayan na nananatili sa mga evacuation center.

Aniya, prayoridad ng pamahalaan ang kanilang kaligtasan at kapakanan.

Sa ngayon, puspusan ang ginagawang panghihikayat ng mga local government unit na magsilikas lalo na sa mga nakatira sa 6KM danger zone.

Facebook Comments