
Nakatakdang bisitahin ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang mga evacuation center na tinutuluyan ng mga nasunugan sa Happy Land Tondo Maynila.
Kabilang sa pupuntahan ng pangulo ang General Vicente Lim Elementary School at Antonio J. Villegas Vocational High School para personal na makita ang kalagayan at maibigay ang kailangan ng tulong sa mga apektakdong residente.
Batay sa mga awtoridad, halos sampung oras na inaapula ang sunog noong Sabado na umabot pa sa Task Force Bravo.
Partikular na natupok ang Helping Compound building sa Barangay 105 sa Road 10 sa Tondo.
Umabot sa higit 2,000 pamilya ang naapektuhan ng sunog na tumutuloy ngayon sa mga evacuation centers.
Facebook Comments









