Mga apektakdo ng bagyong Tisoy maaari ng mag-avail ng calamity loan ng GSIS

Kasunod nang pananalasa ng bagyong Tisoy sa ilang bahagi ng bansa.

Tiniyak ng Government Service Insurance System o GSIS na mapapahiram nila ng pera ang kanilang mga miyembro na nasalanta ng bagyo.

Ayon kay Leopoldo Casio Jr., Vice President, Marketing, Underwriting and Claims Office, Insurance Group ng GSIS sa economic briefing sa Malakanyang, dalawampung libong pisong loan ang kanilang mapapahiram sa kanilang mga apektadong miyembro.


Kinakailangan lamang na kumuha ng request mula sa sanggunihan na magsisilbing katibayan na ang maglo-loan nilang miyembro ay nakatira sa naapektuhang lugar ng kalamidad.

Paliwanag nito ang P20,000 na loan ay maaaring bayaran ng 3 taon na may 8% interest.

Siniguro pa nito na agad mapapahiram ang nangangailangan nilang miyembro sa pamamagitan ng kanilang priority lane bilang tulong na rin sa ating mga kababayan para sila ay muling makabangon at makapagsimulang muli ng kanilang buhay.

Facebook Comments