Mga aplikante sa Court of Appeals, sasalang sa interview sa Miyerkules

Manila, Philippines – Sasalang na sa interview sa Miyerkules ang pitong trial court judges na aspirante sa mga bakanteng puwesto sa Court of Appeals (CA).

Kabilang sa mababakante ang puwesto ni Associate Justice Leoncia Dimagiba na magreretiro sa December 1.

Ang mga sasalang naman sa interview ng Judicial and Bar Council ay sina Alexander Nicandro Acosta, Jimmy Edmund Batara, Marie Grace Javier-Ibay, Rowena de Juan-Quinagoran, Evelyn Gamotin-Nery, Romeo Tagra, at Ferdinand Tan.


Matapos naman ang screening ng JBC ay isusumite ang shortlist kay Pangulong Duterte.

Ang dalawampu’t tatlo namang iba pang mga aplikante ay hindi na sasalang sa interview dahil balido pa ang dati nilang interview sa mga nabakante noon na puwesto sa CA.

Facebook Comments