Manila, Philippines – Sumalang na sa public interview ng Judicial and Bar Council o JBC ang labing-tatlong mga aplikante sa pagka-hukom sa mga bakanteng korte sa Metro Manila.
Partikular na kailangang mapunan ang mga bakanteng pwesto ng presiding judge sa ilang regional trial courts at metropolitan trial courts sa Las Piñas, Makati, Manila, Muntinlupa, Pasay, Parañaque, Quezon City, Taguig, Marikina, Navotas at Valenzuela.
Samantala, naka-antabay ang Korte Suprema sa itatalaga ng Pangulong Duterte na bagong associate justice kasunod ng pagreretiro ni Justice Noel Tijam noong Biyernes.
Magugunitang December pa ng nakalipas na taon nagsumite sa Pangulo ng shortlist ang JBC para pagpilian ng ipapalit kay Tijam.
Facebook Comments