Mga aplikante sa Philippine National Police Academy dagsa pa rin kahit may insidente ng hazing

Marami pa rin ang mga gustong makapasok sa Philippine National Police Academy kahit na may umano’y insidente ng hazing sa akademya.

 

Ayon kay PNPA Director Brig Gen Chiquito Malayo, umabot ng mahigit 22,000 ang mga nagsumite ng aplikasyon online para makapasok sa PNPA.

 

Itinuturing aniya nila itong major breakthrough dahil mas mataas ito ng 54 porsyento kung ikukumpara sa mahigit 2000 lamang na aplikante noong isang taon.


 

Nitong July 1 nagsimula ang online application at natapos nitong September 30.

 

22,000 applicants ang kukuha ng PNP cadet admission test  sa Linggo sa tatlumput isang exam centers sa buong bansa.

Facebook Comments