Inirekomenda ng Department of the Interior and Local Government (DILG) ang hindi pagpapalabas maging sa mga Authorized Person Outside Residence (APOR) na nakatira sa mga lugar na nakasailalim sa granular lockdown.
Ayon kay Interior Undersecretary Epimaco Densing, nanggaling ang proposal sa technical working group on data analytics mula sa Department of Health (DOH).
Mas epektibo itong pamamaraan kaysa i-lockdown ang kabuuan ng isang probinsya o siyudad dahil nakakapangahawa pa rin ang mga APOR na lumalabas sa kanilang tahanan.
Sa ngayon, nanawagan na ang Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) sa National Economic and Development Authority (NEDA) ng karagdagang pondo para sa Local Government Units (LGUs) na apektado ng granular lockdown.