MGA APRUBADONG ORDINANSA SA BAYAMBANG, MAAARI NANG MABASA ONLINE

Madali nang makita online ng mga residente ng Bayambang ang mga ipinapasang ordinansa sa bayan ayon sa Office of the Sangguniang Bayan Secretary.

Sa anunsyo ng tanggapan, tanging mga aprubadong ordinansa sa Sangguniang Panlalawigan mula 2018 hanggang 2024 pa lamang ang naka-upload na sa online database ng bayan habang idinadagdag pa ang mga ordinansa mula 2016.

Layunin nitong maging mapadali ang access ng mga residente nang hindi na kumukuha ng kopya sa Office of the Sangguniang Bayan Secretary. Matatagpuan ang mga ordinansa sa online database ng bayan sa www.bayambang.gov.ph. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨

Facebook Comments