Mga aral na iniwan ng EDSA People Power Revolution, alalahanin – Senado

Iginiit ni Senate President Juan Miguel Zubiri na mas mahalagang matuto ang mga Pilipino sa mga aral na iniwan ng EDSA People Power Revolution.

Ayon kay Zubiri, mahalagang maalala ang mga nangyari sa ating kasaysayan upang hindi na maulit ang nakaraan.

Aniya, ang importante ngayon ay ang hinaharap at kung papaano gagamitin ang mga kaalaman sa kasaysayan na ating ipinaglaban noon para sa mas matatag na bansa.


Binigyang diin pa ni Zubiri na sa pagkakataong ito ay isantabi na ang politika at magkaisa para sa mga kababayan.

Samantala, kung si Senate President Pro Tempore Loren Legarda naman ang tatanungin, maraming leksyon ang ibinigay sa atin ng EDSA Revolution.

Natuto tayong pahalagahan ang ating demokrasya, malayang pamamahayag, kalayaan at pagkakaisa sa kabila ng pagkakaiba-iba.

Facebook Comments