MGA ARCHER NG PANGASINAN PUMANA NG MEDALYA AT PAGKILALA SA ISANG KOMPETISYON

Pumana ng medalya at pagkilala ang ilang miyembro ng San Carlos City Archery Club at iba pang archer mula sa Pangasinan sa isinagawang World Archery Philippines Inc. Age Group Development Program Leg 2 noong Agosto 8–10, 2025.

Ipinamalas ng mga estudyanteng atleta ang kanilang galing sa pag-asinta sa prestihiyosong paligsahan, kung saan nagpakitang-gilas sina Markeexia Gail Maiquez at Yohance Poquiz mula Turac National High School, Leila Jell Cano ng VMUF Science High School, at sina Juan Daniel Banayos, Ian Gabriel Narciso, at Gavin John Raquel mula sa Urdaneta City National High School.

Naging puhunan nila ang husay sa pag asinta kaya naman nakamit nila bronze medals at napabilang sa mga mahuhusay na qualifiers, patunay ng kanilang kasipagan, pokus at dedikasyon sa larangan ng archery.

Ang kanilang tagumpay ay hindi lamang karangalan para sa kanilang paaralan o sa ating lalawigan, kundi nagsisilbi ring inspirasyon sa iba pang kabataan upang subukan at yakapin ang larangan ng sports, lalo na ang archery. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣

Facebook Comments