
Inaprubahan ng Court of Appeals ang ikaapat na freeze order ng Anti-Money Laundering Council (AMLC) kaugnay sa ari-arian ng mga sangkot sa flood control anomaly.
Ayon sa AMLC, layon nitong mapalawak pa ang imbestigasyon at masilip ang mga ari-arian na iniuugnay sa iregularidad sa flood control.
Saklaw ng bagong freeze order ang 57 na bank accounts, 10 real properties at 9 na sasakyan.
Nasa 1,620 na bank accounts, 54 insurance policies, 163 sasakyan, 40 real properties at 12 e-wallet accounts ang nasa ilalim ng freeze order na may kabuuang halagang mahigit ₱4 billion.
Ayon kay AMLC Executive Director Atty. Matthew David, layon ng ganitong hakbang na mapigilan ang korapsyon.
Facebook Comments









